BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, August 4, 2009

Toni Gonzaga says Vhong Navarro is easy to fall in love with

by Manila P. Santos | October 12, 2008 10:36 PM | Share this article

During the presscon for the movie My Only U held last October 9 at the ABS-CBN compound, co-stars Toni Gonzaga and Vhong Navarro gamely answered questions from the media about their newest project and their aborted romance during their Wazzup Wazzup days. Toni, who is now dating director Paul Soriano, admits that there was a time when she found herself attracted to the actor-dancer.

"Dati oo. Naghihintay lang ako. Hanggang sa nainip (laughs). SiVhong kasi, kahit sinong babae, ma-i-in love kasi napaka-lovable niya. I think yung pinaka-edge niya sa ibang lalake is alam niya kung paano kilitiin yung puso mo. Iba yung sense of humor ni Vhong eh. Ang bilis maka-capture yung attention. Nakakapture yung heart. Nagka-crush ako kayVhong pero dahil sa sobrang pagkakaibigan, hindi ko nasasabi sa kanya kasi, kumbaga joke siya ng joke,patawa siya ng patawa. Parang ‘pag sinabi ko na crush ko siya, parang masisira lang yung moment na yun. Ganun din naman siya. Kung ano man yung naramdaman niya sa akin before dahil sa sobrang lagi nga kaming magkasama, pero through time na na-realize namin na ang sarap i-keep yung friendship na ganitong klase. Na kahit anong gawin naming sa isa't isa, kahit sino pang kasama namin, solid talaga yung pagkakaibigan." she admits.

The 23-year-old comedienne-host couldn't deny that even she was charmed by Vhong's antics. "Oo naman. At kahit sa totoong buhay, nata-touch ako kasi sweet si Vhong. Lagi nga kong may something diyan ‘pag may shooting kami eh. May mga little sweet nothings po yan na binibigay sa akin. Madami [siyang nabibigay], yung pinaka-expensive na sinurprise sa akin ni Vhong lately is yung kama na malaki na nagagamit ko ‘pag taping. May mga ganun si Vhong kasi very generous siya eh. Si Kuya Dennis (Padilla, who is also part of the cast of My Only U) binigyan rin niya ng kama, si Direk Cathy din binili niya. Kami lahat binibili niya. Kaya napakasweet ni Vhong talaga," she stresses.

Toni also couldn't help but gush at Vhong's new image for the movie. "Ang guwapo niya dito sa pelikulang ito, yun lang masasabi ko. Ma-i-in love kayo sa kanya. Matinee idol na talaga siya. Nakita niyo naman yung mga shots. Ang guwapo niya dito," she proudly says.

When pressed about the details why they never ended up dating in real life, Toni answers very matter-of-factly, "Hindi kasi marunong manligaw yan si Vhong. Sa sobrang lovable niya, puwedeng-puwede naman talaga sana si Vhong. Pero hindi talaga siya nanligaw. Siguro pahaging lang pero hindi niya tinutuloy kasi nga malaki respeto niya sa mga magulang ko at sa akin. Alam niya na hindi pa ako ready magka-boyfriendnoon so he just maintained kung sino lang siya sa akin. Pinaramdam lang sa akin ni Vhong noon na laging nandiyan lang siya. Nangyari naman na kahit anong mangyari nandiyan lang siya. I admire his respect for my parents talaga, kasi nakita niya nung time na yun, nandiyan lagi yung mga magulang ko. Gusto ko pa nun na magpatayo ng bahay. Ang dami ko pang responsibilidad nun. In fairness naman kay Vhong, very supportive, very concerned yung pagmamahal niya bilang kaibigan naramdaman ko talaga yun nun. Kasi pag problema ako, sa kanya ako tumatawag. Kahit 3 am mo tawagan si Vhong para sa advice, sasagot yan. Proven and tested ko na."

When the time came that Vhong started dating Desiree Del Valle, Toni said she was happy for her co-star even though they did not end up together. "Naiintindihan ko. Kasi hindi pa ako ready nung time na yun eh. Kasi gaya nga ng sinabi ko, puwede ka namang ma-in love kay Vhong eh, kahit sino naman sigurong babae, dahil sa humor ni Vhong at sa bait niya. Ma-i-in love talaga sa kanya," she says.

With all their history together, the two, along with another Wazzup Wazzup alumni, have remained good friends. "Mahal ko siya bilang kaibigan. Wala kaming malisya sa katawan. Ganun din pero hindi nagtuloy-tuloy. Alam mo yung nagkakagusto ka pero hindi natutuloy, nauudlot dahil sa dami ng pangyayari. Kasi mahirap yung sa amin ni Vhong kasi magkaibigan talaga kami. Magkaibigang-magkaibigan talaga kami. Mas matimbang yung pagkakaibigan namin. Mas dun kami napunta. Ibang-iba na talaga nung huli kaming nagkasama ni Vhong. Siguro ngayon mas maydepth na kami sa isa't isa, mas malalim na yung pagkakaibigan. At saka yung pag arte namin parang mas personal. More than natural, it’s very personal," Toni adds.

Seeing their chemistry works on- and off-screen, one can't help but hope for something more from these two, but Toni swears it's all platonic. "Ngayon, nanumbalik yung friendship, yung pagmamahal, yungconcern, yung camaraderie namin sa isa't isa, yung companionship. Lahat nanumbalik. Kasi matagal talaga kaming hindi nagkasama. Maingay kami na magulo na masaya, nakakapagod kasi pareho na talaga kami ng ugali ni Vhong. Walang MU sa aming dalawa. Kung ano man yung shinare namin, it’s pure friendship na walang malisya. Walang relationship talaga," she insists. Toni says that her close friendship with the Streetboys member hasn't caused any problems with her boyfriend either. "Naiintindihan naman ni Paul (Soriano) yung trabaho ko. Naiintindihan niya lahat. Bago pa man kami magkakilala, alam niyang kaibigan ko na si Vhong so walang problema," Toni states.

But if fate finds them both single again at a later time, would Toni still give him a chance? "Siguro kung nung dati? Malamang. Pero hindi naman natin masasabi. Basta masaya kami kung anong meron kami ni Vhongngayon. Kasi gaya nga ng sinabi niya, ibang-iba talaga ‘pag may relasyon ang magkatrabaho. Ang laki ng naaapektuhan, naapektuhan yung ‘pag arte mo, yung mga kasama mo sa set. Eh ang maganda sa amin, walang naaapektuhan kasi lahat happy," Toni says.

0 comments: