Sixteen years na sa industriya ang dancegroup na Streetboys at isa sa sobrang natuwa ay si Vhong Navarro. “We’ll at least ngayon ‘di pa kami naka-wheelchair, sobrang saya dahil solid pa rin kami kung tutuusin naman kahit yung iba kong ka-grupo dito na mga original like Spencer [Reyes], Michael [Esmundo], siJoseph [de Leon] nasa ibang bansa sila ngayon andun parin sila patuloy na nagti-text, may communication pa rin kami, nagcha-chat, nagfe-facebook kung baga andun pa rin kompleto pa rin. Sixteen years sama-sama pa ring sumasayaw, tumatumbling pa rin para sa ating mga kaibigan. Talagang ang sarap ngfeeling, si Direk Chito [Rono] ay patuloy na sumusuporta sa grupo so talagang hindi kami magkakahiwa-hiwalay.”by Arniel Serato | May 15, 2009 8:22 AM |
Matatandaang ini-launched ang grupo noong 1993 sa malawakang gameshow na Kuarta o Kahon. May original na walong miyembro ang grupo. Simula noon, nakilala na ang Streetboys bilang nangungunang dancegroup pagdating sa delikadong stunts at kakaibang exhibitions. Marami din ang nagsasabing siya daw ang pinaka-successful na miyembro ng grupo, ano naman ang masasabi niya dito. “Siguro ano lang dumating lang sa point na madaming blessings and lahat naman umabot o naging successful like si Spencer, si Jhong [Hillario], yung iba naman nag Miss Saigon, si Meynard [Marcellano], si Nico [Manalo] at si Sherwin [Roux] yung iba naman tambay,” pabiro pang kuwento ng Totoy Bibo fame.
Bilang isa sa pinaka-succesful na miyembro ng grupo, pinasok niya ang pag-arte, pagkanta, at unti-unting nabigyan ng break sa paggawa ng commercial. Dati ba naisip kaya niya na magkakaroon siya ng mga endorsements? “Hindi, payatot ko na 'to, di ko nga naiisp na magiging artista ako eh dahil ang gusto ko dati maging action star kaso ang hirap 'pag payatot maging action star, so balak ko mag-sexy na rin, sinubukan ko rin hahaha, pero hindi kaya, kaya nag-comedy ako. Yun nga dun pala tayo nalilinya sa pagko-comedy.”
Kakatapos lang din nang I Love Betty La Fea kung saan lumutang ang kanyang galing sa pag-arte sa ginamapanan niyang karakter na si Nikolas. “Actually from the original, sa Columbia tiningnan ko yungNicholas dun eh, magaling sobrang galing niya feeling ko seryosong actor yun pero nagampanan niya ng mahusay. Siguro dito, nagdagdag na lang ako ng konting flavor. Para sa akin medyo mahirap especiallypag-drama scenes siyempre kasi may totoong emosyon kang ipapasok dun at the same time Nikolas ka pa din.”
Naging super hit din ang kanyang mga album at ang kanyang mga kantang 'novelty' ay talagang naging hit hindi lang sa mga matatanda kundi lalong lalo na sa mga bata. Pero marami din ang nagtaka kung bakit hindi pa nasundan ang kanyang paggawa ng album. “Meron kaming album ngayon yung Streeboys, Lets Dance Vhong Navarro with the Streetboys, may music video para siyang dance exercise at the same timepag pinapanuod mo yun matuto ka ng sumayaw, nag-e-exercise ka pa.”
Eksklusibo ding nabanggit ni Vhong na may mga plano daw ang Star Cinema na pagsamahin ulit sila ng kanyang ka-movie loveteam na si Toni Gonzaga. Isa daw itong spoof sa isang sikat na pelikulang ipinalabas kailan lamang dito sa bansa. Nasa planning stage pa lang daw ito kaya hindi pa puwedeng banggitin kung ano ang pelikulang pagbabasehan nito.
Tuesday, August 4, 2009
Vhong Navarro to star in a movie again with Toni Gonzaga
Posted by ~aNidRa~ at 12:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment