Muling mapapanood si Vhong Navarro sa primetime block sa teleseryeng Kokey @ Ako kung saan makakasama rin niya si Angel Locsin na ipapalabas sa susunod na taon. Matatandaang pumatok ang Lastikman ni Vhong noong 2007 na intended din para sa mga bata. Ayon kay Vhong fulfilling ang gumawa ng ganitong proyekto dahil nakapagpapakita ka ng magandang halimbawa para sa mga kabataan.by Bernie Franco | December 05, 2009 7:45 PM |
On the other hand, maituturing ding successful ang morning talent-search show ni Vhong kasama si Anne Curtis, ang Showtime. Ang daily morning show na ito ay nakapagtatala ng mataas na ratings. “Sa ratings,sobrang happy kami. Dahil ‘yung grupo namin natutuwa kasi parang experiment ito, eh. At least nag-clicksa mga kapamilya natin para i-enjoy nila. Kahit na wala kaming ipinamimigay na pera, nae-enjoy ng ating mga manonood,” say ni Vhong.
Sa kabila rin ng mga nagsusulputang talent-search programs ngayon, ano nga ba ang ipinagkaiba ng Showtime sa competitors nito? “Kasi ang Showtime naman ‘di naman importante dito ‘yung sobrangtalented ka, eh. Kaya nga sinasabi namin lagi ng mga hurado rito, ang importante maaaliw mo ang mgaviewers, hindi kailangan ‘yung sobrang talented ka,” paliwanag ni Vhong.
Kasabay nito, iniintriga rin ang Showtime dahil pine-preempt umano nito ang susunod na show, ang Wowowee. Itinanggi naman ito ni Vhong. Aniya, isa itong konsepto na nagpapakita ng galing ng mga Pilipino sa larangan ng performing arts. “And ako, as a host, ginagawa ko lang ang tungkulin ko para ma-entertain natin ‘yung ating mga kapamilya na nanonood."
“Iisang network naman tayo tsaka si Kuya Willie (Revillame) kaibigan ko naman. Wala namang problema don. Tsaka kami nagtatrabaho lang. Si Kuya Willie nagtatrabaho lang mahal na mahal lang namin ‘yungshow namin. Si Kuya mahal lang din niya ‘yung show niya. So tulungan tayo,” pagtatapos ng komedyante.
Saturday, December 5, 2009
Vhong Navarro explains ‘Showtime’ is different from other talent-search shows
Vhong Navarro explains ‘Showtime’ is different from other talent-search shows
Posted by ~aNidRa~ at 7:07 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment