BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, December 9, 2009

Desiree del Valle copes with her breakup with Vhong Navarro

Desiree del Valle copes with her breakup with Vhong Navarro
by Bernie Franco | July 22, 2009 8:24 AM | Share this article

Sa kabila ng mga dumarating na pagsubok sa buhay ni Desiree del Valle ay maayos naman umano ang kanyang kalagayan. Kamakailan ay pumanaw ang kanyang ama na matagal ring nakipaglaban sa sakit. Mahirap man itong tanggapin para sa kanyang pamilya ay naniniwala silang hindi sinayang nito ang kanyang buhay sa mundo. “For whatever it’s worth, I know he lived a full life,” maikli niyang sagot.

Nang tanungin siya kung paano niya kinakaya ito, sinabi ni Desiree na ginagawa lamang niya ang dapat para maka-cope. '
Yan ang sinabi sa akin ng daddy ko so that’s what I’m going to do. I’m going to enjoy life. Hindi mawawala ‘yan (pagsubok). It makes you a stronger person.”

Kamakailan din ay nagsalita na si Vhong Navarro at isinawalat niyang naghiwalay na sila ni Desiree matapos ang ilang taong relasyon. Naging matipid si Desiree sa kanyang mga sagot at tila hindi pa siya handang pag-usapan pa ang tungkol dito. Sa ngayon, trabaho ang pinagtutuunan niya ng pansin upang hindi masyadong isipin ang mga hinaharap na pagsubok sa buhay. Pinagkakaabalahan ni Desiree ngayon ang
May Bukas Pa, at isang horror TV series.

“Keep yourself busy. And wake up early each day
para madami kang magagawa. Kasi sayang eh. Kasi life is short. And you have to make the most out of it. And sana ‘yung mga choices mo maging mabuti to make you a better person,” paliwanag niya. Pagkatapos naman ng hiwalayan nila ni Vhong ay okay naman siya at sinabing kailangang tanggapin na nangyayari ito sa buhay ng tao.

Nang kamustahin siya kung marami ba siyang natutunan sa relasyon nila ni Vhong, hindi nag-detalye si Desiree. “Every time you have a relationship is always a learning process.
Parang there’s no 101 or basic about it, eh. Everybody involved is different.” Nang tanungin kung handa na ba siyang makipag-date muli, sumagot ang aktres na hindi pa umano niya masasabi at hindi muna siya naghahanap sa ngayon.

0 comments: